Corazon Amaya-Canete

Dernière sortie

Kalayaan ng Migrante

Ang Kalayaan ng Migrante ay aklat ng mga tula at larawan na tumutukoy sa personal at sa mas malaking kontekso ng buhay ng mga Filipino bilang  manggagawa sa labas ng Pilipinas. Bilang isang mamamahayag sa Hong Kong na nananatiling aktibo sa komunidad, naisalarawan ng may-akda sa kanyang mga tula at larawan  ang buhay at pakikibaka ng mga Pilipinong nasa ibang bansa, partikular ang mga nagtatrabaho bilang mga dayuhang kasambahay.  Ang tula ni Corazon ay naglalarawan ng buhay ng kanyang mga kababayan bilang ina, anak at manggagawa na nahaharap sa pang-araw-araw na katotohanan ng pagkawalay sa kanilang mahal sa buhay resulta ng sapilitang migrasyon.
Samantala ang mga larawan naman ay naipakita ng  pagkakaisa  at pagsasama-sama ng mga migranteng Filipino tuwing araw ng kanilang pamamahinga na isang beses lamang sa isang linggo na makikita sa ilang bahagi ng Hong Kong, tulad sa parke, tulay, kalye at ibang pang bahagi ng Hong Kong. 
Offrir maintenant
Ou planifier dans votre panier

Les livres de Corazon Amaya-Canete